How to Get Medical Assistance from DSWD: Your 2025 Ultimate Guide
Ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan o Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay isang ahensya ng gobyerno na namamahala sa pagbuo, pagtupad, at pag-coordinate ng mga patakaran ukol sa pagprotekta at paglutas ng kahirapan sa bansa para sa kapakanan ng mga naghihirap at ng mga nasa hindi magandang kalagayan. Kaugnay nito, mayroon silang mga programa kung saan ang mga taong nangangailangan ng ayudang pinansyal ay maaaring lumapit sa DSWD. Ang tulong na maibibigay nito sa kanila ay mahalaga sa pagbuti ng kanilang kalagayan, pati na rin sa pag-iwas sa posibilidad na sila ay makaranas ng krisis sa pananalapi dahil sa laki ng gastusin na pwede nilang malikom. Isa sa mga naitalang programa ay ang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS. Nabibilang sa programang ito ang DSWD medical assistance for cancer patients sa bansa, dahil maaari nilang bayaran ang iyong mga chemotherapy cycles o cancer medicines.
Ano ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD?
Ang DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay naghahatid ng tulong pinansyal at materyal sa mga nais magkaroon ng access sa mga pangunahing pangangailangan ng tao o kaya naman sa mga healthcare needs ng tao, kasama ang pagkakaroon ng gamot at pag-undergo ng mga importanteng operasyon. Sa ilalim ng tulong pinansyal, ito ang DSWD AICS list ng mga healthcare expenses na kaya ng programang ito tustusin:- Bayarin sa ospital
- Gamot at treatments
- Mga kagamitang medikal (prosthetics, wheelchair, hearing aids, atbp.)
- Mga prosesong laboratory at diagnostics
- Therapy at rehabilitasyon
- Hemodialysis sa mga mayroong kidney failure
- Chemotherapy at iba pang cancer treatments
- Mga medikal na operasyon
- Mga orthopedic implants at prostheses para sa mga nagkaroon ng severe injuries sa kanilang joints o nangangailangan sumailalim ng joint replacement surgery
- Komplikasyon pagkatapos ng panganganak
Sino ang pwedeng kumuha ng AICS?
Kahit sino ay pwedeng makapag-apply para kumuha ng AICS DSWD financial assistance. Ayon sa Senate Bill No. 2328, ang sinumang tao o pamilya na kinikilalang nasa state of active crisis o crisis situation ng isang Department of Social Welfare and Development Social Worker ay maaaring magrequest ng na mapasama sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Kasama dito ang mga:- Persons with disability (PWD)
- Senior citizens
- Solong magulang
- Magsasaka
- Mangingisda
Ano ang mga requirements para sa AICS application?
Ang mga DSWD AICS requirements na kailangan mong ihanda ay nakadepende sa anong klaseng tulong na pinansyal ang gusto mong kunin. Maliban sa AICS DSWD form na ginagamit sa pag-aapply na mainam mong kumpletuhin at siguraduhin na tama, ang mga sumusunod ay ang mga ibang dokumento na kailangan mong i-hain para sa programang ito:Para sa mga bayarin sa ospital o hospital bill:
- Valid identification card o anumang alternatibong dokumento para sa pagkakakilanlan kung wala kang ID (ang mga batang hindi nakatalang mag-aaral sa eskwelahan, indigenous people, mga biktima ng sunog, bagyo o iba pang kalamidad o sakuna ay maaaring exempted dito)
- Medical certificate / Clinical abstract / Certificate of Confinement (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Hospital bill o Statement of Account (kung may natitirang balance pa sa ospital)
- Promissory note (kung may natitirang balance pa sa ospital)
- Social Case Study Report
Para sa DSWD medical assistance cancer requirements (chemotherapy treatments at cancer medicines):
- Valid identification card o anumang alternatibong dokumento para sa pagkakakilanlan kung wala kang ID (ang mga batang hindi nakatalang mag-aaral sa eskwelahan, indigenous people, mga biktima ng sunog, bagyo o iba pang kalamidad o sakuna ay maaaring exempted dito)
- Medical certificate / Clinical abstract (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Reseta ng cancer medicine (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Treatment Protocol
- Official Price Quotation
- Social Case Study Report
Para sa therapy at iba pang mga treatments at gamot:
- Valid identification card o anumang alternatibong dokumento para sa pagkakakilanlan kung wala kang ID (ang mga batang hindi nakatalang mag-aaral sa eskwelahan, indigenous people, mga biktima ng sunog, bagyo o iba pang kalamidad o sakuna ay maaaring exempted dito)
- Medical certificate / Clinical abstract (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Reseta ng gamot (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Laboratory’s request / Doctor’s Order (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Certification ng Psychiatrist / Psychologist
- Official Price Quotation
Para sa hemodialysis treatment:
- Valid identification card o anumang alternatibong dokumento para sa pagkakakilanlan kung wala kang ID (ang mga batang hindi nakatalang mag-aaral sa eskwelahan, indigenous people, mga biktima ng sunog, bagyo o iba pang kalamidad o sakuna ay maaaring exempted dito)
- Medical certificate / Clinical abstract / Certificate of Confinement (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Reseta ng mga gamot o injection(kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Laboratory’s request galing sa doktor (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Official Price Quotation ng dialysis, mga gamot, or laboratory
Para sa mga assistive devices tulad prosthetics, wheelchair, hearing aids, at iba pa:
- Valid identification card o anumang alternatibong dokumento para sa pagkakakilanlan kung wala kang ID (ang mga batang hindi nakatalang mag-aaral sa eskwelahan, indigenous people, mga biktima ng sunog, bagyo o iba pang kalamidad o sakuna ay maaaring exempted dito)
- Medical certificate / Clinical abstract (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Reseta o request ng assistive devices (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Social Case Study Report
Para sa orthopedic implants at protheses:
- Valid identification card o anumang alternatibong dokumento para sa pagkakakilanlan kung wala kang ID (ang mga batang hindi nakatalang mag-aaral sa eskwelahan, indigenous people, mga biktima ng sunog, bagyo o iba pang kalamidad o sakuna ay maaaring exempted dito)
- Medical certificate / Clinical abstract (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Reseta ng implant o prostheses (kinakailangang naibigay ito sa loob ng tatlong (3) buwan)
- Social Case Study Report
Paano mag-apply para sa DSWD AICS program?
Ito ang iyong step-by-step guide kung ano ang proseso sa pag-apply para sa AICS para sa iyong madaling pag-unawa. Gawin lamang na intindihin ng mabuti ang AICS DSWD guidelines na nakasaad dito para mas mapadali ang iyong pag-apply: Step 1 Pumunta sa Department of Social Welfare and Development Central Office (Constitution Hills, Batasan Complex, Quezon City) o sa kahit anong regional o satellite offices ng DSWD. Matatagpuan ang ilang mga satellite offices ng Department of Social Welfare and Development sa mga sumusunod na lugar:- CAMANAVA Satellite Office - 2nd Floor, Victory Central Mall, Rizal Avenue, Monumento, Caloocan City
- Baclaran Satellite Office - 2nd Floor, Victory Food Market, Parañaque City (Katabi ng Baclaran Church)
- San Jose del Monte Satellite Office - 4th Floor Government Center Starmall, Kaypian, City of San Jose del Monte, Bulacan
- Pasig Satellite Office - 2nd Floor, Lianas Supermarket, Caruncho Ave., Pasig City (Katabi ng Pasig Mega Market)
- Legarda Satellite Office - Gastambide St., Sampaloc, Manila
- Rodriguez Satellite Office - J. P. Rizal St., Rodriguez, Rizal
- DSWD FO NCR Hotline Number: (02) 8-733-00-10 to 14
- DSWD Central Office-Crisis Intervention Unit at Directline No: 962-28-13/951-74-33