Skip to content
Cancer

DSWD AICS Medical Assistance: Requirements & How to Apply

Thursday, May 22, 2025 • 8:27 AM • 11 min read

DSWD AICS Medical Assistance: Requirements & How to Apply

Ang DSWD medical assistance ay ibinibigay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), isang tulong pinansyal para sa gamot, chemotherapy, hospital bills, at iba pang medical expenses. Walang online application; kailangan mong personal na pumunta sa DSWD office dala ang mga requirements.

Kailangan mo ba ng price quotation para sa gamot o magsusumite ka ng guarantee letter request? Pumunta sa Patient Assistance Program ng Getmeds para humingi ng quotation. Kung gamot para sa kanser ang kailangan, makikita rin ang mga available na gamot sa aming Cancer Medicines page. Ang approval ng tulong ay nakasalalay pa rin sa DSWD.

Sa gabay na ito, makikita mo ang kumpletong listahan ng requirements, ang step-by-step na proseso ng pag-apply, at kung paano kumuha ng official price quotation para sa mga gamot, lalo na para sa mga pasyenteng nangangailangan ng chemotherapy.

Ano ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD?

Ang DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay naghahatid ng tulong pinansyal at materyal sa mga nangangailangan ng access sa mga pangunahing pangangailangan o sa mga healthcare needs, kasama ang pagkakaroon ng gamot at pagsailalim sa mga importanteng operasyon.

Sa ilalim ng tulong pinansyal, ito ang DSWD AICS list ng mga healthcare expenses na kayang tustusan ng programa:

  • Bayarin sa ospital
  • Gamot at treatments
  • Mga kagamitang medikal (prosthetics, wheelchair, hearing aids, atbp.)
  • Mga prosesong laboratory at diagnostics
  • Therapy at rehabilitasyon
  • Hemodialysis para sa mga may kidney failure
  • Chemotherapy at iba pang cancer treatments
  • Mga medikal na operasyon
  • Mga orthopedic implants at prostheses para sa mga nagkaroon ng severe injuries sa joints o nangangailangan ng joint replacement surgery
  • Komplikasyon pagkatapos ng panganganak

Maliban dito, naghahandog din ang AICS ng tulong pinansyal para sa libing, transportasyon (sa loob lamang ng Pilipinas), edukasyon, pagkain, at iba pang sitwasyong maaaring ituring na krisis ng Department of Social Welfare and Development.

Sino ang pwedeng kumuha ng AICS?

Kahit sino ay pwedeng mag-apply para sa AICS DSWD financial assistance.

Ayon sa Senate Bill No. 2328, ang sinumang tao o pamilyang kinikilalang nasa state of active crisis o crisis situation ng isang DSWD Social Worker ay maaaring mag-request na mapasama sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

Kasama dito ang mga:

  • Persons with disability (PWD)
  • Senior citizens
  • Solong magulang
  • Magsasaka
  • Mangingisda

Ano ang mga requirements para sa AICS application?

Ang mga DSWD AICS requirements ay nakadepende sa klase ng tulong pinansyal na kukunin mo. Bukod sa AICS DSWD form na dapat mong kumpletuhin nang tama, may mga karagdagang dokumentong kailangan mong ihain.

Kailangan sa lahat ng klase ng tulong

  • Valid identification card o anumang alternatibong dokumento para sa pagkakakilanlan (maaaring exempted ang mga batang hindi nakatalang mag-aaral sa eskwelahan, indigenous people, at mga biktima ng sunog, bagyo o iba pang kalamidad)
  • Medical certificate o Clinical abstract (kailangang naibigay ito sa loob ng tatlong buwan)

Para sa bayarin sa ospital o hospital bill

  • Certificate of Confinement (sa loob ng tatlong buwan)
  • Hospital bill o Statement of Account, kung may natitirang balance
  • Promissory note, kung may natitirang balance
  • Social Case Study Report

Para sa chemotherapy at cancer medicines

  • Reseta ng cancer medicine (sa loob ng tatlong buwan)
  • Treatment Protocol
  • Official Price Quotation
  • Social Case Study Report

Para sa therapy at iba pang treatments at gamot

  • Reseta ng gamot (sa loob ng tatlong buwan)
  • Laboratory request o Doctor’s Order (sa loob ng tatlong buwan)
  • Certification ng Psychiatrist o Psychologist
  • Official Price Quotation

Para sa hemodialysis treatment

  • Certificate of Confinement (sa loob ng tatlong buwan)
  • Reseta ng mga gamot o injection (sa loob ng tatlong buwan)
  • Laboratory request galing sa doktor (sa loob ng tatlong buwan)
  • Official Price Quotation ng dialysis, gamot, o laboratory

Para sa assistive devices

  • Reseta o request ng assistive device (sa loob ng tatlong buwan)
  • Social Case Study Report

Para sa orthopedic implants at prostheses

  • Reseta ng implant o prostheses (sa loob ng tatlong buwan)
  • Social Case Study Report

Source: DSWD

Bakit kailangang mag-submit ng price quotation?

Ang quotation letter ay isang official document na kailangang kunin ng pasyente o ng kanyang representative mula sa mga DSWD-accredited pharmacy o supplier tulad ng Getmeds Philippines.

Ang Getmeds ay nagbibigay ng price quotation at tumatanggap ng Guarantee Letter para sa mga cancer patient na nangangailangan ng medical assistance para sa mga gamot sa cancer, kabilang na ang chemotherapy treatment.

Nakasaad sa quotation letter ang kumpletong detalye ng gamot, kabilang ang brand name, generic name, dosage, presyo bawat piraso, kabuuang halaga, at validity ng quotation.

Tingnan ang kumpletong proseso at requirements sa Getmeds Patient Assistance Program, o mag-message sa Facebook page ng Getmeds para humingi ng quotation letter. Mas mabuting nakahanda na ang mga requirements sa itaas dahil ive-verify rin ito ng pharmacy.

Ang pagkumpleto ng mga requirements bago kumuha ng quotation letter ay mahalaga upang mapabilis ang proseso ng aplikasyon.

Mahalagang magmula lamang ang quotation letter sa mga accredited pharmacy o supplier ng DSWD upang masigurado ang pagiging lehitimo nito at ang pagsunod sa mga alituntunin ng DSWD.

Saang DSWD offices tumatanggap ang Getmeds ng Guarantee Letter?

Ang Getmeds ay accredited partner ng DSWD at tumatanggap ng Guarantee Letter mula sa 23 DSWD offices sa apat na rehiyon as of November 2026.

Rehiyon (hub office) Mga satellite office
NCR (Gastambide) Baclaran, CAMANAVA, Central Office (Batasan, Quezon City)
CAR (Baguio) SWAD Abra, SWAD Apayao, SWAD Benguet, SWAD Ifugao, SWAD Kalinga, SWAD Mt. Province
4A-CALABARZON (Alabang) SWAD Laguna, SWAD Batangas, SWAD Cavite, SWAD Rizal, SWAD Quezon
MIMAROPA (Malate) Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, SWAD Marinduque, SWAD Romblon, SWAD Palawan

Kung nasa listahan ang DSWD office na pinuntahan mo, maaari mong dalhin ang iyong Guarantee Letter sa Getmeds para sa iyong gamot at chemotherapy. Tingnan ang buong proseso sa Getmeds Patient Assistance Program.

Paano mag-apply para sa DSWD AICS program?

Ito ang step-by-step na proseso ng pag-apply para sa AICS.

  1. Pumunta sa DSWD Central Office (Constitution Hills, Batasan Complex, Quezon City) o sa kahit anong regional o satellite office ng DSWD.
  2. Pagdating sa opisina, ipacheck ang iyong mga dokumento sa isang social worker, kasama na ang DSWD medical assistance form.
  3. Iinterbyuhin ka ng social worker tungkol sa iyong sitwasyon at sa klase ng tulong na hinihingi mo. Maaari silang magrekomenda ng ibang programa kung mas angkop ito sa iyong kalagayan.
  4. Kapag naaprubahan ka ng social worker at ng Approving Officer, magsusumite ang social worker ng kahilingan para sa Guarantee Letter (GL) o medical cash aid.
  5. Maaaring tumagal ng ilang araw bago makuha ang Guarantee Letter o medical cash aid. Kapag pwede mo na itong kunin, makakatanggap ka ng text mula sa social worker.

Mga satellite office ng DSWD

  • CAMANAVA — 2nd Floor, Victory Central Mall, Rizal Avenue, Monumento, Caloocan City
  • Baclaran — 2nd Floor, Victory Food Market, Parañaque City (katabi ng Baclaran Church)
  • San Jose del Monte — 4th Floor, Government Center Starmall, Kaypian, City of San Jose del Monte, Bulacan
  • Pasig — 2nd Floor, Lianas Supermarket, Caruncho Ave., Pasig City (katabi ng Pasig Mega Market)
  • Legarda — Gastambide St., Sampaloc, Manila
  • Rodriguez — J. P. Rizal St., Rodriguez, Rizal

Mga contact number

  • DSWD FO NCR Hotline: (02) 8-733-00-10 to 14
  • DSWD Central Office, Crisis Intervention Unit direct line: 962-28-13 / 951-74-33
  • Email: cis.foncr@dswd.gov.ph o ciu.co@dswd.gov.ph

Ano ang layunin ng Guarantee Letter mula sa DSWD?

Ang Guarantee Letter (GL) mula sa DSWD ay isang dokumentong nagsasaad na ang ahensya ang sasagot sa mga gastusin ng pasyente. Kabilang dito ang mga gamot, medical at surgical supplies, diagnostic procedures, at iba pa.

Pagkatapos suriin ang iyong aplikasyon at mga requirements, kapag naaprubahan, saka maglalabas ang DSWD ng Guarantee Letter para sa pasyente o sa kanyang kinatawan.

Ang Guarantee Letter ay isang printed document na dadalhin ng pasyente o kinatawan sa medicine distributor o supplier na nakasaad sa dokumento. Sila ang magbibigay ng gamot alinsunod sa nakasaad sa Guarantee Letter.

Meron bang DSWD AICS online application?

Wala. Sa kasalukuyan, walang online application o online registration link para sa DSWD medical assistance (AICS). Kailangang personal na pumunta sa DSWD Central Office, regional office, o satellite office dala ang kumpletong requirements.

Ang DSWD E-Services ay para lamang sa ibang serbisyo tulad ng travel clearance para sa mga menor de edad — hindi ito para sa AICS o medical assistance.

Kung naghahanap ka ng online registration link para sa medical assistance, wala pong ganoon sa ngayon. Sundin na lang ang step-by-step na proseso sa itaas.

Ano pa ang mga ibang programa ng DSWD?

May iba pang programa at serbisyo ang DSWD bukod sa AICS na kayang tumulong sa mga nangangailangan ng tulong pinansyal para sa kalusugan o sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP)

Katulad ng AICS, pero mas nakatuon ito sa mga minimum wage earner na naapektuhan ng mataas na gastusin dahil sa inflation.

Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)

Buwanang tulong pinansyal sa loob ng pitong taon para sa mga pamilyang kapos sa pera. Nakatuon ito sa kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga bata at ina, kasama ang preventive health care, pag-enroll ng mga bata sa paaralan, at pagbabawas ng child labor.

Sustainable Livelihood Program

Suporta at interbensyon para sa mga pamilya at pamayanang nasa laylayan, upang magkaroon sila ng access sa mga bagay na makakatulong sa maunlad na kabuhayan.

Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC)

Kaakibat ng Republic Act No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010. Layunin nitong mapabuti ang kalagayan ng mga senior citizen na walang permanenteng source of income o walang pamilyang sumusuporta sa kanila.

Kalahi-CIDSS NCDDP

Programang tumutugon sa pagbabawas ng kahirapan gamit ang community-driven development (CDD) approach — isang estratehiyang kilala sa buong mundo sa paglutas ng kahirapan at pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo.

Malasakit Centers

Ang Malasakit Centers ay one-stop shop na pinangunahan ng DSWD para sa mga ahensyang nagbibigay ng medical assistance: Department of Health (DOH), DSWD, PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Ayon sa batas, dapat magtayo ang gobyerno ng Malasakit Center sa bawat ospital na nasa ilalim ng DOH at Philippine General Hospital. Pinahihintulutan din ang Philippine National Police na maglunsad ng ganitong pasilidad.

Sa kabuuan

Huwag mag-alinlangang mag-apply sa mga programang ito kung kailangan mo ng tulong pinansyal para sa pangangalagang medikal. Ang layunin ng AICS ay tumulong sa mga pamilyang walang paraan para makabayad sa mga gastusin sa ospital.

Lalo na para sa mga cancer patient na kapos sa pondo para sa kanilang treatment at gamot, malaki ang maibabawas ng AICS sa kanilang araw-araw na gastusin.

May iba pang ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng tulong pinansyal. Nandiyan ang mga senador na kayang maghandog ng tulong medikal, ang PCSO Medical Access Program (MAP), at ang DOH Cancer Support and Palliative Medicine Access Program (CSPMAP) na partikular na tumutulong sa mga cancer patient.

Importanteng maging prayoridad ang kalusugan. Ngunit dapat ding maunawaan na hindi lahat ay may pribilehiyong makabili ng gamot na kailangan nila. Dahil dito, mahalagang malaman ng tao ang mga ganitong programa para sa kanilang kapakinabangan.

Mga karaniwang katanungan

What is the DSWD program for cancer patients?

Ang AICS program ay pwede sa mga cancer patient dahil maaari silang makakuha ng financial medical assistance para sa mga procedure tulad ng chemotherapy at radiation therapy, pati na rin sa pagtanggap ng mga chemotherapy drug at iba pang gamot na kailangan nila sa kanilang cancer treatment.

What is the AICS program assistance to individuals in crisis situations?

Ang programang ito ay naghahatid ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera o materyal na pangangailangan upang bumuti ang kalusugan ng tao. Ang mga tinutulungan nito ay ang mga kinikilalang nasa state of active crisis o krisis na sitwasyon.

Who is qualified for AICS?

Kahit sino ay qualified, basta kinikilala kang nasa active state of crisis o crisis situation ng isang DSWD social worker. Kasama rin dito ang mga persons with disability (PWD), senior citizens, solong magulang, magsasaka, at mangingisda.

How much is AICS financial assistance?

Ang kabuuang DSWD AICS payout ay hanggang PHP 10,000 para sa inpatient care, at PHP 3,000 para sa mga bayaring hindi nangangailangan ng pananatili sa ospital. Nakadepende pa rin sa iyong kondisyon at sitwasyon kung magkano ang matatanggap mo.

How to avail cancer assistance funds?

Maaari kang makakuha ng cancer assistance funds mula sa DSWD sa pamamagitan ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situations. Sa programang ito, nakakapagbigay sila ng tulong pinansyal o materyal sa mga nangangailangan.

Is there a DSWD medical assistance online application method available?

Wala. Walang online application para sa DSWD medical assistance (AICS) sa kasalukuyan — kailangang personal na pumunta sa DSWD office dala ang mga requirements. Ang DSWD E-Services ay para lamang sa ibang programa tulad ng travel clearance, hindi para sa AICS.

Disclaimer

The information provided in this content is for general informational purposes only. We do not claim ownership of any government-related policies, procedures, or official guidelines mentioned herein. All details regarding assistance programs are based on publicly available resources and are subject to change without prior notice. For official and updated information, please directly consult the Department of Social Welfare and Development (DSWD) or visit their official website and channels.

DSWD AICS Medical Assistance: Requirements & How to Apply - Getmeds