Patient Assistance Program: Chemotherapy & Cancer Medicines
Chemotherapy at Mga Gamot sa Cancer
Ang Getmeds ay nakatuon sa pagsuporta sa kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipinong lumalaban sa cancer. Sa pamamagitan ng aming Patient Assistance Program, nakikipagtulungan kami sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng DSWD (AICS) at PCSO (MAP) upang makapagbigay ng tulong medikal, partikular na ang libreng chemotherapy at iba pang gamot sa cancer, sa mga higit na nangangailangan.
Mga katuwang na ahensya:
DSWD – AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation)
PCSO – Medical Assistance Program
Mga Hakbang Para Makakuha ng Cancer Assistance
Kumonsulta sa Iyong Doktor
Tanungin ang iyong attending physician tungkol sa government assistance para sa iyong mga gamot sa cancer.
Ihanda ang Iyong Mga Medical Documents
Kunin ang sumusunod mula sa iyong doktor — original copy, may buong pangalan, pirma, at license number:
Kumpletuhin ang Iyong Application Documents
Bukod sa mga medikal na dokumento mula sa iyong doktor, may karagdagang requirements na kailangang i-submit, na nakadepende sa ahensya ng gobyerno na iyong aaplayan:
DSWD Medical Assistance (AICS)
Medical Prescription
Treatment Protocol
Medical Abstract / Clinical Summary
Photocopy ng valid government-issued ID ng pasyente
Isama rin ang ID ng representative kung sila ang magsusumite.
Social Case Study Report
Mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa City Hall ng lungsod kung saan kasalukuyang nakatira.
Certificate of Indigency
Makukuha mula sa inyong barangay; kinakailangan para makuha ang iyong Social Case Study Report.
Official Price Quotation para sa mga gamot sa cancer
Makukuha mula sa Getmeds.
PCSO Medical Assistance Program (MAP/IMAP)
Medical Prescription
Treatment Protocol
Medical Abstract / Clinical Summary
Kumpletong PCSO IMAP Application Form
Maaaring i-download mula sa PCSO website.
Photocopy ng valid government-issued ID ng pasyente
Isama rin ang ID ng representative kung sila ang magsusumite.
Tatlong (3) official price quotations para sa gamot sa cancer mula sa magkakaibang distributor o supplier
- Ang unang quotation ay makukuha mula sa Getmeds
- Ang dalawa pang natitira ay kailangang i-request ng pasyente mula sa ibang distributor o supplier
Makipag-ugnayan sa Aming Team
Kontakin ang aming Patient Assistance Officer para sa pagsusuri ng inyong requirements at pagkuha ng opisyal na quotation para sa inyong gamot sa cancer.
I-submit ang Iyong Requirements
Hintayin ang Iyong Guarantee Letter (GL)
Kapag naaprubahan, dalhin ang GL sa nakasaad na supplier para makuha ang gamot. Para sa gabay, makipag-ugnayan sa aming Patient Assistance Officer.
Kailangan ng Quotation para sa Gamot sa Cancer?
Mag-request ng quotation sa Getmeds para sa cancer at chemotherapy medicines na kailangan para sa inyong DSWD o PCSO application.
Quotation Delivery
Mag-request ng quotation at ihahatid namin ito sa inyong tahanan.
Request a Quotation
0919 076 9105
Para sa Email Inquiries
info@getmeds.ph
Pakilagay ang iyong buong pangalan, aktibong phone number, at email address, at ihanda at i-attach sa iyong email ang iyong valid government ID at prescription para sa mas mabilis na proseso ng iyong quotation.