Limang Bitaminang Pampalakas Ng Resistensya Laban Sa Sakit

Limang Bitaminang Pampalakas Ng Resistensya Laban Sa Sakit

Sa kasalukuyan, hinaharap ng buong mundo ang isang nakakahawa at nakamamatay na virus. Ang virus na ito ang sanhi ng impeksiyon na tinatawag na COVID-19. Upang masiguraduhang hindi mahawaan ng sakit na ito, inaasahan ang lahat na manatili lamang sa loob ng bahay at isagawa ang social distancing.

Kung hindi maiiwasan na lumabas dahil sa trabaho o sa pagbili ng pagkain at iba pang pangangailangan, mahalagang palakasin ang resistensya upang maiwasan ang COVID-19 o anumang sakit.  Narito ang limang bitaminang pampalakas ng resistensya:

Buy Vitamins Product Online

Bitamina B6: Ang Bitamina B6 ay mahalagang bitaminang pampalakas ng resistenya. Binibigyan nito ang ating katawan ng mga panlaban sa mga mikrobyong nagdudulot ng impeksiyon.

Ang pagkain ng manok at ng mga partikular na uri ng isda gaya ng tuna ay makapagbibigay ng Bitamina B6 sa ating katawan. Tinutulungnan ng Bitamina B6 ang ating katawan upang magamit ang isa pang uri ng Bitamina na nagpapalakas ng resistensya, ang Bitamina B12.

Bitamina B12: Pinalalakas ng Bitamina B12 ang resistensya sa pamamagitan ng pagpaparami ng white blood cells. Ang white blood cells ay instrumento sa paglaban ng katawan sa mga impeksiyon na maaring pumasok sa sistema at maging dahilan ng sakit.

Ang kakulangan ng Bitamina B12 ay nagdudulot ng pamumutla, panghihina, at ang pagiging madaling pagtablan ng sakit. Upang mapataas ang dami ng Bitamina B12 sa katawan, maaring kumain ng atay, karne ng baka at manok, at itlog. Ang pagkain ng tokwa at tsokolate ay makatutulong rin sa pangangailang bitamina. Ito ay tinatawag ring Riboflavin na maaaring makuha mula sa dietary supplements.

Bitamina C: Ayon sa National Institute of Health, ang bitamina C ay nagpapalakas ng cells ng katawan upang labanan ang anumang mikrobyo na posibleng maging sanhi ng impeksiyon o sakit. Hindi kaya ng katawan na gumawa ng bitamina C kaya kinakailangan na kumain ng mga gulay, prutas, o suplemento na sagana sa bitamina C.

Ilan lamang sa mga pagkain na maaring pagkuhanan ng Bitamina C ay mga maaasim na prutas gaya ng mangga, sampalok, kahel, at marami pang iba. Ang mga gulay naman na sagana sa Bitamina C ay bell peppers, spinach, at broccoli.

Bitamina D:  Isa namang pag-aaral ang nagsasabi na ang Bitamina D ay nakatutulong sa pag-iwas sa pagkakaroon ng malalang impeksiyon sa baga at iba pang sakit sa ating sistema ng paghinga. Ito rin ay nakatutulong sa epektibong paggamit ng katawan ng calcium. Ang calcium ay kailangan ng katawan para lumakas ang mga buto. Ang Bitamina D ay maaring makuha habang nakababad sa araw. Ito rin ay pwedeng makuha sa iba’t ibang uri ng pagkain gaya ng mushrooms at isda.

Bitamina E: Ang Bitamina E ay isang uri ng antioxidant na tumutulong sa paglaban sa mga mikrobyong nagtatangkang pumasok sa ating katawan. Pinalalawak nito ang mga ugat na pinagdadaluyan ng dugo upang hindi ito mamuo at magdulot ng anumang sakit gaya ng stroke. Ang kawalan naman ng Bitamina E sa ating pangangatawan ay nagdudulot ng panghihina at pagiging malapitin sa sakit. Ang mga pagkain na sagana sa bitamina E ay mga iba’t ibang uri ng mani at buto ng gulay.

Buy Supplements Online

Ang mga nabanggit ay lima sa mga pinakamabisang bitaminang pampalakas ng resistensya. Iilan lamang ito sa mahaba pang listahan ng bitamina, mineral, at anumang pagkain na maaaring kainin para labanan ang sakit. Madali lang kunin ang mga naisaad na pagkain mula sa pinaka malapit na palengke at tindahan. Mayroon din naming online na tindahan at pagpapadala ng mga bagay na kinakailangan. Kung ang hanap naman ay gamot o mga dietary supplements, pumunta sa www.GetMeds.ph. Sa panahon ng krisis, mahalaga na inuuna ang kalusugan at kapakanan ng sarili at ng ating pamilya at komunidad.

Please follow and like us:

Be the first to comment on "Limang Bitaminang Pampalakas Ng Resistensya Laban Sa Sakit"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*