Gatas ang isa sa mga inuming kasama na natin mula pagkabata hanggang sa ating pagtanda. Mula sa pagiging unang pagkain natin noong tayo’y mga sanggol hanggang sa pag-inom natin bilang pampatibay ng buto, ang gatas ay isa sa pinaka mahalagang inumin sa buhay ng tao. Maari ring gamitin ang gatas upang pampadagdag ng timbang. Narito ang limang uri ng gatas na maaring inumin para sa mga gustong magdagdag ng timbang.
Table of Contents
Raw Milk
Bagamat kontrobersyal ang pag-inom nito, maraming nagsasabing masarap at manamis-namis ang lasa ng raw milk o tinatawag ding unpasteurized milk.1 Ito ay isang uri ng gatas na hindi isinasapreso ng pagpapainit upang masiguraduhang mamatay ang ilang bacteria at mikrobyo. Mayaman ang gatas na ito sa bitamina. Marami rin itong healthy bacteria at probiotics na makatutulong sa maayos na digestion.
Ibig sabihin, magkakatulong ang gatas na ito hindi lamang sa pagdagdag ng timbang kundi maging sa sirkulasyon ng buong sistema ng katawan. Sa kabila ng mga mabuting maidudulot ng raw milk sa katawan ng tao, pinapaalalahanan ng mga doktor ang lahat na kailangan pa ring mag-ingat sa mga bacteria na maaring makuha sa pag-inom nito.
Whole Milk
Ano mang gatas (halimbawa, baka, kambing, o tupa) na may mataas na antas ng taba o milk fat ay tinatawag na whole milk. Ito ay dumaan sa proseso ng pasteurization na kung saan pinapainit ang gatas upang mamatay ang masasamang mikrobyo sa loob nito. Sinasabing may 3.5 porsiyento ng taba sa whole milk.
Dahil dito, mabisa itong pampadagdag ng timbang. Para sa mga natatakot sa panganib na dulot ng raw milk, magandang alternatibo ang whole milk sapagkat mayroon din itong taglay na mataas na porsyento ng milkfat at iba pang bitamina.
Fortified Milk
Bagamat karaniwang nakikita sa gatas ng mga sanggol o infant formula ang fortified milk, magandang uri rin ito ng gatas para sa mga taong nagnanais magdagdag ng timbang. Fortified milk ang tawag sa gatas ng kalabaw na nilagyan ng dagdag na bitamina tulad ng Vitamin A at D at nutrients tulad ng zinc, iron, at folic acid.
Ang maganda pa sa uri ng gatas na ito, maaring pumipili ng partikular na bitaminang kulang sa katawan ng kung sino mang umiinom. Ibig sabihin, kung kulang sa Vitamin D, ang isang tao, maari nyang piliin ang fortified milk na may dagdag na Vitamin D.
Flavored Milk
Isa marahil sa pinakakilalang halimbawa ng flavored milk ay chocolate milk. Bukod sa madaming milkfat dito, marami rin itong asukal. Ibig sabihin, mabisa syang gatas na pampadagdag ng timbang. Para sa marami, mas madaling magkonsumo ng flavored milk dahil sa tamis at sarap ng gatas na ito. Para sa mga nais magdagdag ng timbang, makakatulong ng malaki ang malimit na pag-inom ng flavored milk.
High Protein Milk
Sa paggawa ng high protein milk, idinadagdag ang whey o casein proteins sa gatas upang mapataas ang protina nito. Naglalaman din ito ng taba o good fat, calcium, Vitamin D at iba pang sangkap na maganda sa katawan.
Dahil sa mga sangkap na ito, epektibong pampadagdag ng timbang ang high protein milk. Lalong epektibo ito para sa mga batang nangangailangan ng dagdag na timbang. Ang gatas na ito ang magpupuno sa kakulangan sa protina at ilan pang bitamina sa katawan ng payat na bata.
basahin din: Limang Bitaminang Pampalakas ng Resistensya Laban sa Sakit
Bukod sa pag-inom, maari ring gamitin ang gatas bilang sangkap sa mga ulam, merienda, at panghimagas. Halimbawa, maaring gumamit ng whole milk sa paggawa ng sopas upang masigurong makakonsumo ng gatas sa ibat-ibang paraan.
Ang iba’t ibang uri ng gatas na nakalista sa itaas ay may masarap na panlasa. Kaya naman, madali silang inumin o ikonsumo. Para sa iba pang pagkain na epektibong pampadagdag ng timbang, bisitahin ang website ng Getmeds.ph.
Be the first to comment on "Limang Uri Ng Gatas Na Pampadagdag Timbang"