Kailangan mo ba ng tulong pinansyal para sa gastusing medikal? Alamin kung paano makakakuha ng suporta mula sa PCSO Medical Assistance Program (MAP) at kung sino ang mga qualified mag-apply. Sundan ang mga hakbang at alamin ang mga requirements para mapadali ang iyong online application.
Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay ang pangunahing ahensya ng gobyerno na namamahala sa pagdagdag at pagbibigay ng pondo para sa mga programang pangkalusugan, tulong medikal at mga serbisyo, at mga charities ng pambansang katangian.
Sila rin ang nagsasagawa ng mga paligsahan, karera, at lotto sa bansa — pati na rin ang pag-oorganisa mga investments, projects, at mga aktibidad na may kinalaman sa kalusugan at kapakanan upang makapagbigay ng permanenteng at patuloy na pondo para sa mga programa nito.
Maliban sa mga nabanggit, ang PCSO ay nagbibigay ng medical assistance sa pamamagitan ng kanilang Medical Assistance Program (MAP), isang programa na importanteng malaman ng sambayanan, lalo na sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong pinansyal para makabili ng kinakailangan nilang gamot o para sumailalim sa mga importanteng procedures na makakapagpabuti ng kanilang kalusugan.
Table of Contents
Ano ang Medical Assistance Program (MAP) ng PCSO?
Ang PCSO Medical Assistance Program (MAP) ay para sa mga kalalakihan at kababaihan na may mga problemang may kinalaman sa kalusugan, at humihingi ng pinansyal na tulong ukol dito. Kaya nitong i-cover ang iyong bayarin sa ospital ng 100% — pero ito pa rin ay nakadepende sa iyong estado at sa klase ng ospital na ikaw ay naka-confine.
Ang programang ito ay nakatanim sa prinsipyong magpalago ng kanilang pondo, na kanilang ginagawa sa pamamagitan ng pakikipag-partnership sa mga pampublikong at pribadong ospital, health facilities, mga nagtitinda ng gamot, at iba pa.
Mga medical expenses na covered ng PCSO Medical Assistance Program:
- Confinement
- Dialysis
- Chemotherapy at Radiation Therapy
- Medicines (kasama ang chemotherapy drugs, anti-rabies, antibiotics, intravenous immunoglobulin, atbp.)
- Surgical Supplies
- Implants
- Laboratory Procedures
- Diagnostic Procedures
- Medical Devices (pacemaker, septal occluder, valves, PCSI devices, atbp.)
- Assistive Devices (hearing aid, wheelchair, prosthesis, pulmonary apparatus)
- Non-invasive and minimally invasive surgeries
- Transplant Procedures (kidney transplant at liver transplant)
- Heart operations at surgeries
- Rehabilitative Therapy (physical, occupational, speech)
Sa kaso ng mga cancer patients, may enrollment system ang PCSO kung saan kaya nitong akuin ang 50% ng isang treatment cycle. Ang MAP ay nagsisilbing serbisyo ng PCSO medical assistance for cancer patients in the Philippines para mapagaan ang kanilang gastusin sa araw-araw na buhay. Bukod pa rito, ang programang ito ay nagsisilbing PCSO medical assistance for chemotherapy drugs.
Sino-sinu ang mga taong qualified o maaaring mag-apply para sa PCSO Medical Assistance Program?
Lahat ng Pilipino ay maaaring maging qualified para sa Medical Assistance Program, personal man o sa pamamagitan ng isang representative.
Pwede kang humingi ng medical assistance sa PCSO basta ikaw ay may pangangailangan na may kinalaman sa iyong kalusugan, tulad ng mga taong:
- Naka-confine sa kahit ano mang health facility
- Tumatanggap ng healthcare services bilang outpatient
- Naghahanap ng healthcare services sa ibang bansa dahil sa dahilang walang pasilidad sa Pilipinas ang kayang makapagbigay ng kinakailangan na procedure
Maaari rin ang PCSO medical assistance for cancer patients, at sa kadalasan, ito rin ang isa mga options na binibigay sa mga may cancer na naghahanap ng pinansyal na tulong galing sa gobyerno.
Paano mag-apply para sa PCSO Medical Asssistance Program?
Para makapag-apply sa PCSO Medical Assistance Program, sundin lamang ang guide sa ibaba upang maipasa at maaprubahan ang iyong application nang maayos at mabilis:
-
- Bumisita sa PCSO website (www.pcso.gov.ph). Dito mo makikita ang mga requirements na kailangan mong ihanda para sa klase ng medical expense na hinahangad mong i-cover ng PCSO. Dito ka rin makakapag-register ng sarili mong account para sa madaling pagproceso ng iyong application.
- Ihanda ang mga naitalang requirements. Iba-iba ang mga requirements na kailangan mong ihanda, at ito ay nakadepende sa tulong na gusto mong makuha (kung ito ba ay ang pagbayad ng gastusin sa isang serbisyong medikal or sa pagbili ng kinakailangan mong gamot).
- I-submit ang iyong application sa PCSO e-service portal: Ang PCSO ay tumatanggap lamang ng MAP application via online. Kaya marapat lang ang pag-sumite ng iyong application ay sa pamamagitan ng kanilang e-service portal.
- Mag-intay sa approval ng PCSO: Pagkatapos mong mag-submit, susuriin ito ng PCSO. Kapag ikaw ay naaprubahan, hintayin mo lamang ang email na kanilang ipapadala na kasama na ang iyong guarantee letter. Ito naman ay ibibigay mo sa medical institution o medicine distributor bilang patunay na ang PCSO ang magbabayad na iyong gastusin.
Tandaan na ang maaari lamang mag-submit ng application para sa PCSO medical assistance ay ang pasyente mismo o ang kanyang representative. Hindi pwede ang medical institution o ang medicine distributor na pagbibigyan ng guarantee letter ang magsusumite nito.
Ano ang mga requirements para sa online application ng PCSO Medical Assistance Program?
Katulad ng nabanggit sa itaas, nakadepende sa klase ng procedure o tulong na kailangan ang ihahanda mong mga dokumento sa pag-submit ng MAP application. Ngunit narito ang mga pangunahing PCSO medical assistance requirements na dapat na makumpleto:
- Tama at kumpletong PCSO IMAP application form
Ganito ang magiging itsura ng PCSO IMAP application form:
Pwede mong i-download ang form na ito galing sa kanilang website mismo: PCSO MAP downloadable application form
2. Original / Certified True Copy ng Clinical Abstract na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
Ganito ang magiging itsura ng nasabing dokumento. Nakalagay dapat dito ang kumpletong buod ng iyong medical history, diagnosis, at treatment:
O kaya ganito rin:
3. Valid ID ng pasyente at representative
Ang mga sumusunod ay mga uri ng valid ID na tinatanggap sa PCSO Medical Assistance Program (MAP):
a. Driver’s license
Source: Philippine driver’s license guide – Everything you need to know | Autodeal
b. Voter’s ID
Source: How to Get Voters ID Card – Philippine IDs
c. Passport
Source: Philippine Passport (2016 edition) data
d. TIN ID
Source: How to Get TIN ID in 2024
e. PhilSys ID
Source: PhilSys Number
f. Birth certificate
Source: Nso Birth Certificate
4. Authorization Letter galing sa pasyente sa pagkakataong walang malapit na kamag-anak na pwedeng ma-interview
Para naman sa iba pang medical procedures o request, tulad ng PCSO medical assistance para sa chemotherapy treatments at drugs, narito ang kailangang dokumento:
Confinement
- Original / Certified True Copy ng Clinical Abstract o Discharge Summary na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Original Statement of Account na may buong pangalan at prima ng Billing Officer
- Kopya ng Valid ID at Medical Social Services-issued ID ng pasyente. Para naman sa mga menor de edad, maaring ibigay ang kanilang school ID, kopya ng kanilang birth certificate (para sa mga bagong panganak hanggang limang taong gulang) at/o valid ID ng representative kung naaangkop.
Erythropoietin (Dialysis Injection)
- Original / Certified True Copy ng Clinical o Medical Abstract na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Original Prescription ng Epoetin injection kasama ang buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Original copy ng endorsement at quotation (para lamang sa mga Dialysis Center at ospital)
- Tatlong (3) official quotations galing sa 3 magkakaibang supplier kung ang gamot na kailangan ay wala sa dialysis center / ospital
- Photocopy ng valid ID ng pasyente at representative (kung naaayon)
Hemodialysis
- Original / Certified True Copy ng Clinical o Medical Abstract na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Original endorsement na may kasamang official quotation galing sa Dialysis Center at Ospital
- Sertipikasyon ng PhilHealth benefits galing sa Dialysis Center at Ospital o Certification of PhilHealth exhaustion
- Photocopy ng valid ID ng pasyente at representative (kung naaayon)
Chemotherapy Drugs
- Original / Certified True Copy ng Clinical o Medical Abstract na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Orihinal na reseta na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Original or Certified True Copy ng Treatment Protocol na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Photocopy ng valid ID ng pasyente at representative (kung naaayon)
- Tatlong (3) official quotations galing sa 3 magkakaibang supplier kung ang gamot na kailangan ay wala sa dialysis center o ospital
(Halimbawa: isang qoutation letter mula sa Getmeds Philippines Inc. at dalawa pang accredited pharmacy ng PCSO na nagbibigay ng quotation. Maaari mong makita ang listahan ng iba pang mga accredited na pharmacy o supplier ng gamot sa opisyal na website ng PCSO.)
Ito ang sample na itsura ng isang quotation letter:
Ang quotation letter ay isang official document na kailangang kunin ng pasyente o ng kanyang representative mula sa mga PCSO-accredited pharmacy o supplier tulad ng Getmeds Philippines. Nakasaad dito ang kompletong detalye ng gamot para sa cancer, kabilang ang brand name, generic name, dosage, presyo bawat piraso, kabuuang halaga, at validity ng quotation. Mag-message lang sa Facebook page ng Getmeds upang makahingi ng qoutation letter. Mas mabuting nakahanda ang mga nabanggit na requirements sa taas dahil ito ay ive-verify rin ng naturang pharmacy. Ang pagkukumpleto ng mga nasabing requirements bago pa man ang pagkuha ng qoutation letter ay mahalaga upang mapabilis ang proseso ng application.
Mahalaga na ang quotation letter ay magmula lamang sa mga accredited pharmacy ng PCSO upang masigurado ang pagiging lehitimo nito at ang pagsunod sa mga alituntunin ng PCSO. Ang listahan ng mga accredited pharmacy ay makikita sa opisyal na website ng PCSO.
Ang quotation letter ay isa sa mga mahahalagang dokumento na kailangan para maproseso ang iyong application sa PCSO, lalo na para sa mga cancer patients na naghahangad ng medical assistance.
Radiation Therapy
- Original / Certified True Copy ng Clinical o Medical Abstract na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Official quotation galing sa ospital
- Sertipikasyon ng PhilHealth benefits galing sa ospital
- Photocopy ng valid ID ng pasyente at representative (kung naaayon)
Specialty Medicines
- Original / Certified True Copy ng Clinical o Medical Abstract na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Orihinal na reseta na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Original or Certified True Copy ng Treatment Protocol na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physciian
- Tatlong (3) official quotations galing sa 3 magkakaibang supplier kung ang gamot na kailangan ay wala sa dialysis center / ospital
- Photocopy ng valid ID ng pasyente at representative (kung naaayon)
Laboratory, Diagnostic and Imaging Requests (maliban sa routine laboratory examination)
- Original / Certified True Copy ng Clinical o Medical Certificate na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Original Copy ng request para sa laboratory, diagnostic, at imaging
- Official Quotation galing sa Ospital o Diagnostic Center
- Letter of Acceptance ng Guarantee Letter
- Photocopy ng valid ID ng pasyente at representative (kung naaayon)
- Para sa mga laboratory, diagnostic and imaging requests na hindi available sa health facility ng originating branch, ang manager ang dapat mag-endorse ng request sa pinakamalapit na branch office na may health facility na makakapagbigay ng naitalang health services.
Implant at Medical Devices (pacemaker, septal occluder, valves, PCSI devices, atbp.)
- Original / Certified True Copy ng Clinical o Medical Certificate na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Orihinal na reseta na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Iskedyul ng operasyon na certified ng attending physician
- Tatlong (3) official quotations galing sa 3 magkakaibang supplier kung ang gamot na kailangan ay wala sa dialysis center / ospital
- Letter of Acceptance ng Guarantee Letter
- Photocopy ng valid ID ng pasyente at representative (kung naaayon)
Rehabilitative Therapy (physical, occupational, speech)
- Original / Certified True Copy ng Clinical o Medical Certificate na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Orihinal na reseta na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Official Quotation galing sa health facility kung saan isasagawa ang therapy
- Photocopy ng valid ID ng pasyente at representative (kung naaayon)
Organ Transplant (galing sa living donors)
- Original / Certified True Copy ng Clinical o Medical Certificate na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Certification galing sa iyong attending physician na nagsasabi na ikaw ay nakatakda na sumailalim sa transplant procedure, kasama ang patient’s non-availability to avail the Z-Benefit for kidney transplant ng PhilHealth
- Photocopy ng valid ID ng pasyente at representative (kung naaayon)
Organ Transplant (galing sa deceased donors)
- Original / Certified True Copy ng Clinical o Medical Certificate na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Original Statement ng Account kasama ang buong pangalan at pirma ng Billing Officer
- Kumpleto at pirmadong kopya ng operative
- Photocopy ng valid ID ng pasyente at representative (kung naaayon)
Coronary Artery Bypass Graft (CABG)
- Original / Certified True Copy ng Clinical o Medical Certificate na may buong pangalan, pirma, at license number ng iyong attending physician
- Certification galing sa iyong attending physician na nagsasabi na ikaw ay nakatakda na sumailalim sa transplant procedure, kasama ang patient’s non-availability to avail the Z-Benefit for kidney transplant ng PhilHealth
- Photocopy ng valid ID ng pasyente at representative (kung naaayon)
Ang mga requirements na nabanggit ay kasama sa pagproseso ng PCSO financial assistance for hospital bills pagdating sa mga treatments, gamot, at mga kagamitan na kailangan mo para sa pagpapagaling.
Matapos makumpleto ang lahat ng kinakailangang documents ayon sa mga hinihinging supporta, i-submit ang mga ito sa e-service portal ng PCSO. Kailangan mong magregister, gumawa ng account, at i-upload ang mga kumpletong dokumento na iyong inihanda. Tandaan, ang proseso ng application ay isinasagawa lamang online sa e-service portal, kung saan iva-validate ng PCSO ang iyong mga isinumiteng dokumento pagkatapos i-submit. Sa ibaba ay makikita mo ang tamang pag-register at pag-login sa e-service portal ng PCSO:
Paano ang Pag-register sa E-Service Portal ng PCSO para sa Medical Assistance Program?
- Pumunta sa Philippine Charity Sweepstakes Office website: www.pcso.gov.ph
2. Pumunta sa E-Services at pindutin ang Online MAP Application.
3. Pindutin ang Create an Account at ilagay ang kailangan na data at i-validate ang iyong registration.
4. Pumunta sa iyong email at hanapin ang email validation message galing sa PCSO. Pindutin ang Validate Registration. Dadalhin ka nito sa login page.
Pag-login
- Pumunta sa Philippine Charity Sweepstakes Office website: www.pcso.gov.ph
2. Pumunta sa E-Services at pindutin ang Online MAP Application
3. Ilagay ang iyong Pangalan, Apelyido, Araw ng Kapanganakan, at email address tsaka pindutin ang Login.
4. Pumunta sa iyong email para sa MAP Login OTP. I-copy at paste ito tsaka pindutin ang Submit.
Paano mag-submit ng mga requirements para sa Medical Assistance Program (MAP) sa PCSO E-Service Portal?
Kapag ikaw ay naka-login at registered na, pindutin ang Application na makikita sa menu o Apply Now na nasa information page.
- Ilagay ang pangalan ng Partner Health Facility (PHF) at mamili galing sa drop down kung saang City / Municipality nabibilang ang PHF, pati ang nature of request sa isa pang drop down. Pindutin ang Get Queuing Number.
- Kapag may lumitaw na na queuing number, i-upload mo ang lahat ng required documents na nakasaad sa listahan. Siguraduhing naka PDF format ang iyong mga files at hindi hihigit pa sa 2MB ang file size.
- Pindutin ang Submit Application.
- Hintayin ang resulta sa iyong email o kaya naman tignan ang status ng iyong application sa portal.
Ano ang Purpose ng Guarantee Letter Mula sa PCSO sa Pagkuha ng Libreng Gamot?
Ang Guarantee Letter (GL) na nanggaling sa PCSO ay isang dokumento na nagsaaad na ang nasabing ahensya ay ang magbabayad para sa gastusin ng isang pasyente sa ospital, kasama na rito ang mga gamot, ang mga medical at surgical supplies, pati na rin ang blood supplies at diagnostic procedures.
Sa pagkuha ng libreng gamot galing sa mga medicine distributor o supplier para sa cancer at iba pang sakit gamit ang GL, ito ang mga karaniwang hakbang tungo dito:
- Kumuha ng price quotation galing mismo sa kahit anong medicine distributor (halimbawa: Getmeds Philippines Inc., o iba pa). Maaaring hingiin nila ang iyong valid ID, clinical abstract, at prescription (Rx) na gagawing gabay para sa quotation sa pagkakataong ikaw ay lumapit sa kanila.
- Ang medicine distributor ang gagawa ng quotation para sa’yo batay sa naisumite mong prescription. Ang quotation letter ay isang pormal na kasulatan na binabanggit ang mga opisyal na presyo ng kanilang gamot na nakasaad sa iyong prescription.
- Sasabihan ka na isumite ang quotation kasama ang iba pang mga kinakailangan na dokumento sa PCSO, tulad ng valid ID mo kung ikaw ang pasyente at iyong opisyal na treatment protocol, sa pamamagitan ng online submission sa kanilang website (www.pcso.gov.ph). Tandaan na ikaw bilang pasyente ang dapat magsumite nito, at hindi ang medicine distributor.
- Kapag na i-proseso na ng PCSO ang iyong GL at nakapili na rin sila ng medicine distributor sa tatlong quotation na iyong binigay, ang napiling medicine distributor na kukuhaan mo ng gamot at maaaring magsimula na rin ng kanilang pagproseso ng iyong mga orihinal na dokumento.
- Gagawa ang iyong medicine distributor ng invoice na bumabase sa halaga o quotation ng mga kinakailangan mong gamot. Sa pagkakataon na may mga sobra sa presyo ng gamot na hindi na kayang i-shoulder ng binigay na budget ng PCSO, ito ay iyong babayaran in cash.
- Kapag na-proseso na ang lahat, magdala ng nararapat na lagyanan para sa iyong mga gamot. Para naman sa mga gamot na sensitibo o madaling mabulok o masira, magdala ng cooler bag para sa maayos na pagtago nito o ayon sa payo ng medical distributor.
Sa kabuuan, ang price quotation na kailangan mo bilang isa sa mga requirements ay makukuha lamang mula sa napili mong medicine distributor o sa mga pharmacy na approved ng PCSO. Kapag nakumpleto mo na ang iba pang kinakailangang dokumento kasama ang nasabing qoutation lette, maaari mo na itong i-submit sa e-service portal ng PCSO. Maghintay sa resulta at tandaan na ang Guarantee Letter (GL) ay direktang ipinapadala sa pasyente sa pamamagitan ng email. Siguraduhing i-print ang original copy ng GL at dalhin ito in person sa mismong pharmacy na approved o napili ng PCSO.
PCSO Help Desks
Ang mga PCSO help desks ay matatagpuan sa mga kaakibat na ospital ng PCSO para hindi mo na kailangan pumunta sa mismong PCSO main office na nasa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Maari kang magtanong ukol sa PCSO medical assistance via walk-in sa mga lugar na ito.
Ang listahan sa ibaba ay isinasaad ang mga PCSO office for medical assistance locations o PCSO-IMAP Desk na maaaring mong puntahan:
Luzon
Hospital Name | Address | Contact Person |
Adventist Medical Center Manila | 1300 San Juan corner 1975 Donada Sts., Pasay, NCR | N/A |
AFP Medical Center | V. Luna Avenue, Diliman, Quezon City, NCR | N/A |
Amang Rodriguez Memorial Medical Center | Sumulong Highway, Sto. Nino, Marikina, NCR | Lucila Arvesu, RSW |
Asian Hospital and Medical Center | 2205 Civic Drive, Alabang, Muntinlupa, NCR | Melissa Mejorado, RSW |
Batangas Medical Center | Kumintang Ibaba, Batangas City, CALABARZON Region | Sonia Javier, RSW |
Bulacan Medical Center | Malolos City, Bulacan, Central Luzon Region | Myrna Villalon, RSW |
Capitol Medical Center | Quezon Avenue Cor. Scout Magbanua St., Diliman, Quezon City, NCR | N/A |
Cardinal Santos Medical Center | 10 Wilson Street, Greenhills West, San Juan City, NCR | Portia Gomez – Esquillo, RSW |
Castro Maternity and General Hospital | Baliuag, Bulacan, Central Luzon Region | Myrna Villalon, RSW |
De Los Santos Medical Center | 201 E. Rodriguez Sr. Blvd., Quezon City, NCR | Melissa Salivio, RSW |
Dela Salle University Medical Center | Gov. D. Mangubat Avenue , Dasmariñas, Cavite City, CALABARZON Region | Nida Villoso, RSW |
Dr. Jose Fabella Memorial Hospital | Lope de Vega St., Santa Cruz, Manila, NCR | Rowena Sumera, RSW |
East Avenue Medical Center | East Ave, Diliman, Quezon City, NCR | Magda Irene T. Eclarino, RSW |
FEU-Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation Medical Center | Regalado Ave. corner Dahlia Ave., West Fairview, Quezon City, NCR | Rusheil Glorianie, RSW |
Hospital of the Infant Jesus | 1556 Laong Laan, Sampaloc, Manila, NCR | Camille Cantimbuhan, RSW |
J.P. Sioson General Hospital and Colleges, Inc. | 75 Bukidnon, Bago Bantay, Quezon City, NCR | N/A |
Jose B. Reyes Memorial Medical Center | Rizal Ave, Santa Cruz, Manila, NCR | Araceli Docducil, RSW |
Justice Jose Abad Santos General Hospital | Numancia St, Binondo, Manila, NCR | N/A |
Las Piñas General and Satellite Hospital | Quirino Avenue, Pulanglupa I, Bernabe Compound, Las Piñas, NCR | Victoria Espaltero, RSW |
Manila Doctors Hospital | United Nations Ave, Ermita, Manila, NCR | Regine Genato , RSW |
Mary Johnston Hospital | 1221 J. Nolasco, Manila, NCR | N/A |
MCU-FDTM Foundation, Inc. | Brgy. 85 , University Hills , Morning Breeze Subdivision, Caloocan City , NCR | Madonna Corpuz RSW |
Metropolitan Medical Center | 1357 Masangkay St, Tondo, Manila, NCR | Geraldine Lucero, RSW |
National Children’s Medical Center | 264 E. Rodriguez Blvd., New Manila, Quezon City, NCR | Estrella Alejo, RSW |
Our Lady of Lourdes Hospital | 46 P. Sanchez St, Santa Mesa, Manila, NCR | Remedios Saguil, RSW |
Philippine Children’s Medical Center | Quezon Ave., Diliman, Quezon City, NCR | N/A |
Philippine Heart Center | East Avenue, Diliman, Quezon City, NCR | Margarette Rose Clavejo, RSW |
Quirino Memorial Medical Center | P. Tuazon St., Highland Dr, Project 4, Quezon City, NCR | Rosita Pineda, RSW |
Rizal Medical Center | Pasig Blvd., Pasig, NCR | Luningning R. Banocia, RSW |
San Lazaro Hospital | Quiricada St, Santa Cruz, Manila, NCR | Marissa Cabrera, RSW |
St. Jude Hospital and Medical Center | Dimasalang Road, Sampaloc, Manila, NCR | N/A |
St. Luke’s Medical Center – Global City | Rizal Drive cor. 32nd St. and 5th Ave., Taguig City, NCR | Isabelo Urmatam, RSW |
St. Luke’s Medical Center – Quezon City | 279 E. Rodriguez Sr. Ave., New Manila, Quezon City, NCR | Cristina Hangod, RSW |
St. Martin de Porres Charity Hospital | A. Bonifacio, San Juan City, NCR | N/A |
Tondo Medical Center | Honorio Lopez Blvd. corner Kalakal St. Balut, Tondo, Manila, NCR | Teodora Robete, RSW |
UERM Memorial Medical Center | 930 Aurora Boulevard, Sta. Mesa, Manila, NCR | Jennifer M. Secretario, RSW |
Victor R. Potenciano Medical Center | 554 Sierra Madre, Mandaluyong, NCR | N/A |
Visayas
Hospital Name | Address | Contact Person |
Mandaue City Hospital | C.D. Seno, Mandaue City, Cebu, Central Visayas Region | N/A |
Mindanao
Hospital Name | Address | Contact Person |
Brokenshire Integrated Health Ministries Inc. | Fr Selga, Poblacion District, Davao City, Davao del Sur, Davao Region | Helie Tadulan, RSW |
Davao Regional and Medical Center | Apokon, Tagum City, 8100 Davao del Norte, Davao Region | Felipa Banate, RSW |
Southern Philippines Medical Center | Dumanlas Road, Davao City, Davao Region | N/A |
Source: Hospitals with PCSO-IMAP DESK/ASAP
Kung ikaw ay may mga katanungan o paglilinaw na nais mong i-direkta sa ahensya, ang PCSO medical assistance contact number ay 0284043956, habang ang email naman nila ay pcsomain.charity@pcso.gov.ph.
Ano pa ang mga ibang programa ng Philippine Charity Sweepstakes Office?
Maliban sa MAP na nagbibigay ng PCSO cancer assistance, mayroong pang ibang mga programa ang PCSO na may kinalaman sa paghahatid ng medikal na tulong sa mga nangangailangan nito. Nabibilang dito ang sumusunod:
Medical and Dental Mission Program
Ang Medical and Dental Mission Program ay para sa mga mahihirap na pamayanan at sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad sa loob at labas ng Metro Manila at nalalapit na probinsya. Kasama sa programang ito ang pagbibigay ng libreng medisina sa mga walang kakayahang bumili o walang access sa mga healthcare services na binibigay ng gobyerno.
Medicine Donation Program (MDP)
Ang Medicine Donation Program ay ang panandaliang pagbibigay ng libreng gamot ng mga iba’t ibang klase ng organisasyon at pasilidad pangkalusugan, tulad ng mga non-profit, government, at pati mga non-government. Ang layunin ng programang ito ay magbigay daan sa mga kwalipikadong pampubliko at pribadong institusyon na parte ng mga programa, proyekto, at serbisyo na pangkalusugan sa pamamagitan ng donasyon ng mga basic na gamot.
Auxiliary Ambulance Service
Ang Auxiliary Ambulance Service ay binibigay sa mga pasyenteng nangangailangan ng transportasyon galing sa ospital papunta sa kanilang tahanan, ospital papuntang ospital, o pasilidad ng PCSO papuntang ospital. Ang layunin ng programang ito ay makapagbigay ng serbisyo sa mga pasyenteng naghahanap ng libreng transportasyon.
Outpatient Services Program
Ang Outpatient Services Program ay isang programa sa ilalim ng Medical and Dental Division (MDD) na may probisyon ng pagbibigay ng general medicine consultation, basic / minor surgical procedure, dental consultation at treatment, pati na rin ng mga gamot. Ang layunin ng programang ito ay makapagbigay maayos, patas, at mabisa na mga serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga marginalized na sektor sa pamamagitan ng mga operasyon ng Medical Services Department na nakakapagbigay ng mga medikal, dental, at iba pang mga pangkalusugang pangangailangan ng sangkatauhan.
Institutional Partnership (IP) Program
Ang Institutional Partnership Program ay nagbibigay ng tulong na pinansyal sa mga ahensya na pangkawanggawa at mga medikal na pasilidad upang tulungan palawakin ang mga serbisyong pangkawanggawa ng gobyerno, lalo na sa mga pangangailangan ng mga mahihirap at kapus-palad sa mga lokal na komunidad.
Medical Transport Vehicle (MTV) Donation Program
Ang Medical Transport Vehicle (MTV) Donation Program ay ang pagbigay ng mga sasakyan upang gawing medical transport vehicles sa mga lokal na yunit ng pamahalaan sa mga lugar at pamayanan na mahihina, malalayo, at may tunggalian. Ito ay para siguraduhin ang ligtas at mabisa na paghatid o paglipat ng mga pasyente sa mga treatment facilities sa pagdaan sa lupa, tubig o, baku-bakong daan.
Sa Kabuuan
May mga programa ang ilan sa mga ahensya na gobyerno kung saan nakakapagbigay sila ng pinansyal na tulong sa mga kababayan nating nangangailangan nito. Isa na rito ang Medical Assistance Program ng Philippine Charity Sweepstakes Office na handang ipagkaloob ang kanilang tulong pinansyal para sa mga hindi makabili ng kanilang mga gamot o sumailalim sa mga procedure na makakapagpabuti ng kanilang kalusugan dahil sa laki ng pwede nilang magastos.
Maliban sa PCSO, may mga iba pang ahensya na nagbibigay ng medical assistance. Isa na rito ang DSWD na mayroong Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na nagsisilbing DSWD financial assistance for cancer patients na rin, at ang DOH na mayroong Cancer Support and Palliative Medicine Access Program (CSPMAP) na kumakatawan bilang isa sa mga cancer patient assistance programs na matatagpuan sa bansa. Mainam na alam natin ang mga ganitong mga inaalok ng gobyerno upang mapakinabangan natin ito ng maigi.
Kamakailan lang, ang Getmeds Philippines Incorporated ay nagkaroon ng partnership sa PCSO kung saan sila ay nagbigay ng libreng gamot para sa cancer. Napakalaki ang naitulong nito, lalo na sa mga Pilipinong hindi basta-basta kayang bumili ng cancer medicine, at isang magandang hakbang sa pagtupad ng kanilang layunin na maging accessible sa mga tao ang kahit anong klase ng medisina sa mundo.
Mga Karaniwang Katanungan
Q: Where to get financial assistance for cancer patients?
A: Mayroong PCSO medical assistance for cancer patients in the Philippines sa anyo ng Medical Assistance Program (MAP) ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nabanggit na ahensya. Sa ilalim ng programang ito, maari kang makakuha ng libreng cancer medicines o cancer treatment sessions.
Q: How to avail medical assistance from PCSO?
A: Para kumuha ng medical assistance galing sa PCSO, ihanda mo lamang ang mga kinakailangang na mga dokumento para sa klase ng medical assistance na nais mong kunin, at ipasa ito gamit ang kanilang online application system o kaya naman sa pagpunta sa pinakamalapit na PCSO help desks. Pagkatapos nito, intaying lamang ang magiging resulta ng iyong application at pwede ka na makakuha ng medikal na tulong sa pagka-apruba nito.
Q: How much is PCSO financial assistance for a hospital bill?
A: Depende ito sa kung sa ospital kung saan ikaw ay naka-confine o kaya di naman ang iyong classification. May mga pagkakataon na kaya nila akuin ang bayarin mo sa ospital ng hanggang 100% (sa pagkakataon na sa charity ward ng isang pampublikong ospital ka nananatili, tsaka may classification na F).
Sa ibang pagkakataon, kung ikaw ay halimbawa nasa pay section ng pampublikong ospital, maari kang makakuha ng hanggang 90%; kung nasa private charity ward naman, 70%; at kung nasa isang pribadong ospital, 60%.
Q: Is chemotherapy covered by PCSO?
Sagot: Oo, ito ay nabibilang sa mga pwedeng bayaran ng nabanggit na ahensya. Mayroon silang enrollment system kung saan kaya nilang i-cover ang kalahati ng iyong total treatment cycle.
A: What are the requirements needed for a PCSO guarantee letter?
Sagot: Nakadepende sa klase ng assistance ang mga requirements na kailangan mong ihanda para makakuha ng guarantee letter. Ngunit ang mga pangunahin na requirements ay photocopy ng valid ID at ng representative, certified true copy ng iyong clinical abstract, certified true copy ng iyong medical certificate, at kung ikaw naman ay nagnanais na makakuha ng libreng gamot, kinakailangan mo ang orihinal na kopya ng iyong reseta at mga quotation letters galing sa tatlong medicine distributors.
Q: Is PCSO a government or private organization?
A: Ang Philippine Charity Sweepstakes Office ay isang pampublikong institusyon. Ito ay nangangahulugang pagmamay-ari ito ng gobyerno at pinangangasiwaan ng presidente ng Pilipinas. Ang pangunahing layunin nito ay makalikom ng pondo para sa mga programang may kinalaman sa kalusugan, pagbibigay ng medical assistance, at mga charities.
Be the first to comment on "PCSO Medical Assistance Program: 4 Steps for Online Application and Requirements"