Para sa marami, malaking suliranin ang pagdaragdag at pagbabawas ng timbang. Dahil na rin malaking bahagi na ng buhay ng tao ang pagkain, mahirap para sa marami ang pag-limita at pagkontrol nila sa pagkain. Para sa mga nais magdagdag ng timbang, may ilang uri ng mga pagkain na maaring makatulong sa kanila. Narito ang lima sa mga pagkaing maari nilang isama sa kanilang pang araw-araw na diet.
Table of Contents
1. Gatas
Dahil sa mataas na antas ng taba o tinatawag na saturated fat. Mainam na uminom ng gatas kung nais mong magdagdag ng timbang. Bukod sa pag-inom nito, maari rin itong ihalo sa mga pagkain katulad ng sopas at iba pa. Mas makabubuti sa kalusugan kung pipiliin ang gatas na walang halong asukal upang makaiwas sa sakit na kaakibat ng matatamis na pagkain tulad ng diabetes.
Mahalagang matutunan ng mga Pilipino na hindi lamang mga bata ang maaring uminom ng gatas. Makatutulong din sa mga matatanda ang pag-inom ng gatas lalo na kung nais nilang magpalakas at magdagdag ng timbang.
2. Karne
Ang pagkain ng karne ay epektibong paraan din na pampadagdag ng timbang. Piliin ang mga karne na tinatawag na red meat. Halimbawa nito ay karne mula sa baka, pato, at kalabaw. Ang mga ito ay iba sa karne na tinatawag na white meat o yung mga karne na puti bago iluto at puti pa rin kahit luto na. Halimbawa nito ay karne ng manok, pabo, at isda. Mataas ang taba at protina ng mga karneng ito kaya bukod sa pagdagdag ng timbang, makakatulong sila sa pagbuo ng laman o muscle.1
3. Kanin
Isang abot-halaga at epektibong pagkain na pampadagdag ng bigat ng timbang ay kanin. Bilang mga Pilipino, bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay ang kanin. Bukod sa sinasabay natin itong kainin kasama ng ulam, may ilang pagkain din tayong gawa sa bigas tulad ng puto, lugaw, arroz caldo, at iba pa. Para sa mga nais magdagdag ng timbang, maari nilang dagdagan ang kinokonsumo nilang kanin o di kaya ay piliing kumain ng mga minatamis na gawa rin sa kanin tulad ng biko, suman, bibingka, at marami pang iba. Maging malikhain sa paggamit ng bigas sa mga pagkaing inihahanda dahil hindi lamang kanin ang maaring paraan ng pagkonsumo nito.
4. Tsokolate
Madalas na sabihing hindi maganda sa kalusugan ang labis na pagkain ng tsokolate. Ngunit, kailangang tandaan na ang masamang uri ng tsokolate ay mga minatamis na tsokolate na kadalasan ay mula sa ibang bansa. Sagana ang Pilipinas ng tsokolate dahil isa tayo sa iilang bansa na may klimang bagay sa pagtatanim ng tsokolate.
Dahil dito, mainam sa mga Pilipino nagnanais magdagdag ng timbang ang pagkonsumo ng tsokolate. Marahil, isa sa pinaka kilalang pagkaing tsokolate ay ang mainit na tsokolate o tinatawag ding tsokolate de batirol. Bukod dito, maari ring gawing panglahok ang tsokolate sa pagkain katulad nang sa champorado. Ang mga pagkaing ito ay hindi nangangailangan ng dagdag na maraming asukal. Ibig sabihin, maari tayong magkonsumo ng tsokolate nang hindi nagkakaroon ng sakit tulad ng diabetes.
5. Itlog
Isa pang pagkain na madalas kainin ng mga pinoy ay itlog. Ang madalas na pagkain nito ay epektibo sa pagdagdag ng timbang. Isang paraan upang makakain ng maraming itlog ay ang paghahalo nito sa iba pang ulam tulad nang sa ginagawa sa silog. Maaring idagdag ang itlog sa ibang pagkain tulod ng adobo, tapa, at pritong bangus. Kung nais magdagdag ng timbang sa maikling panahon, maari ring subukang kumain ng nilagang itlog tatlo o apat na beses sa isang araw. Bukod sa itlog ng manok, maari ring kumain ng itlog ng pugo.
basahin din: 8 Fruits That You Must Have For Enhanced Immunity To Fight Against COVID-19
Marami sa mga babasahin sa internet ay tungkol sa pagbabawas ng timbang. Madalas, kulang tayo ng impormasyon sa paraan ng pagdadagdag ng timbang. Para sa mga taong nais magdagdag ng timbang, maari magsimula sila sa pagkain ng mga pagkaing nasa itaas. Maari ring sumangguni sa iba pang artikulo dito sa GetMeds.ph 2 upang lubos na maunawaan kung paano nakakatulong ang mga pagkain sa pagkontrol ng timbang.
Be the first to comment on "Limang Pagkaing Pampadagdag Timbang"