Ang mga gamot na over-the-counter ay makakatulong upang makapagbigay ng mabilis na lunas, mayroon ka man sakit ng ulo, baradong ilong, ubo, o sipon. Napakaraming tao ang nakakakuha ng kaginhawaan mula sa mga sintomas na ito nang mabilis dahil ang mga over-the-counter na gamot ay ligtas at hindi mo na kinakailangang magpakonsulta sa doktor upang makuha ang mga ito. Mabibili ito sa alin mang botika sa Pilipinas.
Table of Contents
Ano ang over-the-counter?
Ang termino na over-the-counter ay tumutukoy sa mga gamot na ibinebenta nang direkta sa isang mamimili / konsumer na hindi nangangailangan ng reseta mula sa isang doktor o eksperto sa pangangalangang pangkalusugan; ngunit, kung ang isang mamimili ay nais bumili ng mga de-resetang gamot, ito ay ibibigay lamang kung ang mamimili ay may hawak na wastong reseta mula sa mga doktor o espesyalista.
Ano ang mga gamot na over-the-counter?
Ang term na over-the-counter na gamot ay mga gamot na maaaring mabili nang walang reseta. Kilala rin ito bilang OTC o mga gamot na hindi kailangan ng reseta. Ang mga gamot na OTC ay ligtas at mabisa; kailangan lamang sundin ang mga direksyon sa label ng gamot at mga eksperto sa pangangalaga ng kalusugan o mga propesyonal. Ang mga presyo ng mga over-the-counter na gamot ay maaring magkakaiba ayon sa supplier at manufacturer nito. Ngunit ang mga OTC ay palaging budget-friendly o abot kaya ang presyo para sa lahat ng uri ng tao.
Gayunman, may mga peligro na maaring makuha sa mga OTC na gamot, kabilang ang mga:
- Ang ilang mga over-the-counter na gamot ay hindi angkop para sa mga pasyente na may tukoy na mga kondisyong medikal.
- Maraming mga gamot na over-the-counter na hindi epektibo sa panahon ng pagbubuntis. Kung ikaw ay buntis, kumunsulta sa mga dalubhasa bago bumili ng mga gamot na OTC.
- Kumunsulta sa isang dalubhasa sa pangangalagang pangkalusugan bago gumamit ng mga gamot na antibiotics na over-the-counter.
- Laging mag-ingat sa pagbibigay ng mga gamot na OTC sa mga bata. Ugaliin ang pag gamit ng dosing cup sa pagbibigay ng mga likidong gamot na OTC. Palaging siguraduhin na tama ang dose ng gamot.
Narito ang 10 na pinakamahusay at kilalang over-the-counter na gamot:
- Biogesic
- Xtracee Plus
- Opthamax
- Bioflu
- Neozep Forte
- Advil
- Symdex-D
- Sleepwell
- Immunpro
- Fern-C
Biogesic
Ang Biogesic ay isa sa pinakamahusay na gamot na over-the-counter sa Pilipinas na makakatulong na mapawi ang sakit ng ulo, katawan at lagnat. Ang gamot na biogesic ay kilala ng mga Pilipino sa loob ng higit sa 50 taon at laging nangunguna na listahan ng gamot na over-the-counter. Maaari itong inumin kahit walang laman ang tiyan, ng mga matatanda, mga buntis at mga ina na nagpapasuso.
Xtracee Plus
Naglalaman ang Xtracee Plus ng Sodium Ascorbate + Zinc Sulfate na makakatulong sa pagbibigay lunas sa mga may kakulangan sa Bitamina C at Zinc. Ang Xtracee Plus ay isang over-the-counter na gamot sa Pilipinas at ito ay ginagamit nang mas madalas sa panahon ng pandemya upang palakasin ang immune system. Kahit ito ay isang over-the counter na gamot hindi ito maaaring gamitin ng mahabang panahon, kumunsulta sa doktor o mga espesyalista ukol sa pag-gamit nito.
Opthamax
Ang Opthamax ay isang food supplement na naglalaman ng ascorbic acid + d alpha tococpherol + zinc + lutein + beta carotene + zeaxanthin. Ang Opthamax ay isang over-the-counter na gamot na nagbibigay ng bitamina at mineral para sa mga may kakulangan sa bitamina dulot ng hindi wastong nutrisyon, pagbubuntis, digestive disorders at iba pang problemang pangkalusugan. Ito rin ay maaaring gamitin bilang bitamina para sa mata.
Bioflu
Ang Bioflu ay naglalaman ng paracetamol + chlorpheniramine maleate + phenylephrine HCl na kalimitang ginagamit bilang gamot sa sakit ng ulo, sakit ng katawan, ubo at sipon na kalimitang makikita sa mga may trangkaso, allergic rhinitis, sinusitis at iba pang mababang uri ng impeksyon sa baga.
Neozep Forte
Sa listahan ng mga OTC na gamot, ang Neozep Forte ay nagbibigay ng kaginhawaan mula sa sipon at baradong ilong, madalas na pagbahing, sakit ng ulo, lagnat, at sakit ng katawan. Ang gamot na ito ay kalimitang ginagamit sa panahon ng trangkaso, allergies at iba pang mababang uri ng impeksyon sa baga.
Advil
Ang Advil, isang OTC na gamot, ay nagbibigay lunas sa kirot at lagnat o pamamaga na sanhi ng sakit ng ulo, ngipin, likod, arthritis at pananakit ng puson. Ang Advil ay maaaring gamitin ng mga matatanda at mga bata na higit sa dalawang taong gulang.
Symdex-D
Ang Symdex-D ay ginagamit upang makapagbigay ng kaginhawaan o lunas sa ubo, sipon at trangkaso na sanhi ng mga allergy. Ito ay isang gamot na hindi kinakailangan ng reseta sa pagbili o isang OTC na gamot na makakatulong upang guminhawa ang iyong pakiramdam na dulot ng pangangati ng mata, sipon at pamamaga ng lalamunan. Bago gamitin ang gamot na ito, basahing maigi ang tagubilin o instructions sa pakete ng gamot.
Sleepwell
Ang Sleepwell ay isang herbal supplement na naglalaman ng melatonin na nakakatulong upang mapadali ang pag tulog ng isang tao. Ginagamit ito bilang gamot sa insomia at sleep apnea at sa mga nakakaramdam ng problema sa kanilang pagtulog. Magpakonsulta sa doktor bago uminom ng supplement na ito dahil ang mga over-the-counter sleeping pills ay nangangailangan ng reseta.
Immunpro
Naglalaman ang Immunpro ng sodium ascorbate at zinc. Ito ay ginagamit upang mabigyang lunas ang kakulangan sa bitamina C. Ginagamit din ito upang mapalakas ang immune system ng matatanda at bata. Ang Immunpro ay maaring inumin, isang tableta sa isang araw, o ayon sa derekyon ng espesyalista o doktor.
Fern-C
Ang Fern-C ay isang uri ng Bitamina C na nakakatulong upang makaiwas at malunasan ang kakulangan sa biatamina at zinc. Ang Fern-C ay isa sa karaniwang ginagamit na OTC vitamins sa Pilipinas upang mapabilis ang pag galing ng sugat at mapalakas ang immune system laban sa mga nakakahawang sakit. Ito rin ay ginagamit upang mapanatili ang malusog na gilagid, ngipin, buto at iba pang connective tissues.
Buod
Ang mga OTC na gamot ay maaaring gamitin upang mabigyan ng lunas ang mga karaniwang sakit ng katawan, lagnat, pagtatae, sipon, pamamaga ng lalamunan, at allergies. Ang mga gamot na over-the-counter ay ligtas at mabisa; kung ikaw ay bibili ng mga gamot na OTC sa Pilipinas, sundin lamang ang mga direksyon na nakasaad sa label ng gamot at ayon sa direksyon ng mga eksperto o doktor.
Be the first to comment on "Pinakamahusay Na Over-The-Counter Na Gamot Sa Pilipinas"